SOLID WASTE MANAGEMENT IN MALVAR, BATANGAS
Sa ika-2 buwan ng timpalak para sa “2022 Search for Best Ecological Garden and Solid Waste Management Practices in 15 Barangays of Malvar”, umabot na sa 3, 143.60 kilos ng mga tuyong plastic wastes, 1, 626.45 kilos ng PET/HDPE at nakakolekta na rin ng 1, 186 piraso ng 1.5L softdrinks bottles. Maging ang mga anak ng ating mga kabarangay na 4Ps Beneficiaries ay nakikiisa na rin sa ating contest na lalong nagpapadagdag sa dami ng nakokolektang plastic wastes at plastic bottles. Higit sa tulong na iniaambag ng mga kabataang ito ay ang pagkamulat ng kanilang kamalayan na makukulekta ng maayos ang mga plastics na wala nang pakinabang upang mapakinabangan.
Sinimulan na ng Tanggapan ng MENRO at ng Barangay San Gregorio ang paglilinis ng isang bahagi ng Balete River na mayroong bukal ng mainit na tubig. Layunin ng gawaing ito na mapangalagaan ang bukal na pinagkukunan ng tubig na inumin sa mga panahong walang supply ng tubig sa barangay.